“Nasaan si Pastor Apollo Quiboloy kung kailan kailangan natin siyang ipagdasal palayo ang COVID-19?” Ito ang tanong ni dating president...
“Nasaan si Pastor Apollo Quiboloy kung kailan kailangan natin siyang ipagdasal palayo ang COVID-19?” Ito ang tanong ni dating presidential spokesperson Edwin Lacierda kagabi, Marso 9, 2020, kung kailan inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang apat na bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). https://twitter.com/dawende/status/1237023116607406080 “Where is Pastor Quiboloy when we need him to pray COVID-19 away?,” tweet ni Lacierda, kasama ang hashtag na “#ChooseYourPatolWisely.” Matatandaang naging kontrobersiyal ang pahayag ni Quiboloy na pinahinto niya ang lindol noong Oktubre 2019. “Pasalamat kayo sa akin, kung hindi ko pina-stop ‘yon, marami kayong magigiba diyan, mamamatay kayo. Kaya pasalamat kayo ako nagpa-stop ng lindol,” wika noon ni Quiboloy. Tugon naman kay Lacierda ni dating deputy presidential spokesman Abigail Valte: “Hoy, Pot. Choose you patol wisely, ha.” Karamihan naman sa mga sagot ng netizens ay nagtatago ang pastor sa Federal Bureau of Investigation. Matatandaang tatlong church leader ni Quiboloy sa Los Angeles, California ang kinasuhan ng labor trafficking at immigration fraud kamakailan.

COMMENTS